Liham

                                                                                                                               Cangmating, Sibulan

Negros Oriental

Ika-30 ng Abril, 2021

Para sa minamahal kong sarili,

Kamusta ka na? Balita ko’y nasa kolehiyo ka na at iskolar ng iyong paaralan. Alam mo ba na sa oras na nabalitaan ko na nakatanggap ka ng mga gantimpala sa paaralan mo ay hindi ako makapaniwala? Hindi ako makapaniwala sa balitang ang isang bata na walang pakialam sa mga marka noon ay Dean’s Lister na ng paaralan niya ngayon. Masaya ako sa karangalan na iyong natanggap dahil sa kabila ng paghihirap at pagod na iyong pinagdaanan ay nabayaran ng isang malaking gantimpala na ipinagkaloob sa iyo ng Maykapal.

Hindi ko pa nakakalimutan ang mga araw na hindi ka na masyadong naglalabas ng bahay at sumasama sa mga gala ng iyong mga kaibigan  dahil sa nakatambak na gawain. Naaalala ko pa noon na iiyak ka nalang bigla dahil sa hindi mo na alam kung papaano tatapusin ang mga gawain mo sa paaralan. Kaya abot-langit ang saya ko nang malaman ko na iskolar ka na at natutulungan mo ang nanay mo sa pagbabayad matrikula ng paaralan mo. Isipin mo lang palagi sarili ko, na ang lahat ng problema at hamon na kinakaharap mo ngayon ang huhubog sa pagiging best version ng sarili mo. Manalig kang malalampasan mo ang lahat ng paghihirap na nararasan mo ngayon sa tulong ng gabay at pagmamahal ng pamilya, kaibigan, at Diyos sa iyo. Huwag na huwag mong kalilimutan ang rason kung bakit nag-aaral ka ngayon. Ito ay para maging isang propesyunal na guro at makabawi sa lahat ng sakripisyo at tulong na binibigay ng pamilya mo. Kaya pagkaingatan mo ang sarili mo at huwag magpadala sa mga temptasyon mayroon sa paligid mo.

 

Nagmamahal ng tunay,

Lizza P. Catayas

Comments

Popular Posts