Lakbay Sanaysay
Mainit Hot Spring ng Cangmating
Ang barangay ng Cangmating ay nabibilang sa labing limang barangay mayroon ang munisipalidad ng Sibulan. Kilala ang lugar sa pagdiriwang ng YagYag Festival na ginaganap bago ang piyesta ng barangay, tuwing Mayo. Ipinagmamalaki ito lahat ng mga taga-Sibulanon dahil sa pagiging matunog nito sa buong Negros. Naimbitahan na ito sa iilang mga lugar tulad ng Maynila at Japan at nasungkit ang titulong Grand Champion sa paligsahang “festival of festivals” sa lalawigan ng Negros Oriental.
Bukod sa pinagmamalaki ng mga Sibulanon sa kanilang YagYag festival, mayroon din silang pinagyayabang na lugar na pwedeng puntahan ng kahit sinuman dahil libre at walang bayad. Ito ang Mainit Hot Spring ng Cangmating. Ang “mainit” ay mismong lugar na pinagtatayuan ng hot spring. Ipinagmamalaki ito ng mga taga-Sibulanon dahil sa angking gandang tinatago nito. Mga makukulay na pintura na dinisenyo sa paligid ng lugar at iba’t ibang uri ng halaman na pinalibot sa buong kapaligiran na nakapagdaragdag ng kagandahan saa Mainit Hot Spring . Masasaksihan mo rito ang mga batang nagtatampisaw at naghahabuhan sa tubig at mga taong nagkalat sa ibabawang bahagi ng spring. Dito mo lang mararamdaman sa lugar na ito ang natural na init ng tubig na darampi sa balat at katawan, masisimoy ang natural at sariwang ihip ng hangin, at masasaksihan ang mga nagsasayawang mga nipa na sumasabay sa malamig na hangin at nagdaraanang mga sasakyan na makikita sa itaas na bahagi ng spring. Kahit sino ang pupunta at dadayo rito ay magiging matiwasay ang pag-iisip at magiging masulit ang oras sa pagpunta sa lugar na ito. Dalawin ang Mainit Hot Spring ng Cangmating at saksihan ang mala-paraisong hindi pa gaanong nakikila at nakikita ng iilan.



..labing limang baranggay ng... (dapat Labinlimang)
ReplyDeleteHINDI KO ALAM NA MAY GANITO PALA SA CANGMATING!