Skip to main content

Posts

Featured

Artikulong Pamperyodiko

  KABABAIHAN Mula kay Padre Anton Pascual Ang kababaihan ay tulad ng isang babasaging baso na kinakailangan ng matinding pag-iingat at pag-aalaga para hindi mabasag. Kung noon ay nirerespeto ng kalalakihan at tinuturing na isang mamahaling diyamante ang kababaihan, sa kasalukuyan ay kinukutya, tinatawag ng gamut ang mga nakasasakit na mga salita, inaabuso at binabastos. Ayon nga sa datos ng National Demographic and Health Survey (NDHS), nasa 14.4 % ng mga babaeng may asawa ang nakaranas ng physical abuse at 37% ng mga hiwalay sa asawa ang nakaranas ng physical violence. Malayong-malayo ang kasalukuyan sa dating panahon. Ang hirap mabuhay sa mundong puno ng karahasan sa salita man o sa gawa kaya sana ay igalang ang dangal ng kababaihan dahil sila’y repleksyon ni Inang makapangyarihan. Binigyan tayo ng karapatan at pag-iisip at sana’y atin itong gamitin sa mabuting gawa hindi sa personal na hangad lamang.  

Latest Posts

Sanaysay ng Larawan

Lakbay Sanaysay

Ang Aking Talaarawan

Liham

Ang Aking Talambuhay

Pormal na Sanaysay